Paano nga ba?
Bakit kaya may mga pagkakataon na nagkakagusto tayo sa taong hindi tayo gusto? Samantalang nagugustuhan tayo ng taong hindi naman natin gusto? Ang ironic, hindi ba? Nasa isip mo nalang lagi na sana yung taong gusto ko ay yung taong may gusto nalang sakin para hindi na ako umasa sa wala.
Hindi kasi madali na sa aming dalawa, ako lang pala ang iba na ang nararamdaman. Ako lang pala ang sobrang nagpapahalaga sa meron kami. Ako lang pala yung committed. Ako lang pala ang nagmamahal ng higit sa kaibigan. Ako lang pala ang nahihirapan. Ako lang pala ang nasasaktan. Ako lang pala ang hindi na malaman ang dapat na gawin kasi mali na, mali na ang magmahal ng taong kaibigan lang ang trato sayo. Paano naging mali? Kasi sa bawat kilos at bibitawan nyang salita aasa ka na baka may nararamdaman na din sya para sayo. Sa simpleng effort nya lang aasa ka na agad na baka pareho na kayo ng nararamdaman pero hindi mo alam na nasasaktan ka na sa kakaasa mo. Sinasaktan mo na ang sarili mo na kahit alam mo namang malabo ay binibigyan mo ng pagasa yang puso mo sa “baka”. Baka kasi gusto na din nya ako. Baka natutunan na din nya akong mahalin. Baka kapag pinaramdam ko pa kung ano sya sa akin magustuhan na din nya ako. E paano kung hanggang kaibigan ka lang talaga? Paano mo tatanggapin lahat? Paano mo pa sya magagawang kausapin kung isang letra palang ang nababanggit nya gusto mo ng sabihin ang totoo mong nararamdaman? Paano mo pa sya titignan sa mata kung mas lalo kang nahuhulog sa bawat kurap nya? Paano ka pa makakalapit kung kahit likod pa lang nya nasasaktan ka na? Nasasaktan sa katotohanan na hindi nya kayang suklian ang pagmamahal na binibigay mo.
Paano mo tatanggapin ang katotohanan na hindi ikaw?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento