Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2017

Paano nga ba?

Bakit kaya may mga pagkakataon na nagkakagusto tayo sa taong hindi tayo gusto? Samantalang nagugustuhan tayo ng taong hindi naman natin gusto? Ang ironic, hindi ba? Nasa isip mo nalang lagi na sana yung taong gusto ko ay yung taong may gusto nalang sakin para hindi na ako umasa sa wala. Hindi kasi madali na sa aming dalawa, ako lang pala ang iba na ang nararamdaman. Ako lang pala ang sobrang nagpapahalaga sa meron kami. Ako lang pala yung committed. Ako lang pala ang nagmamahal ng higit sa kaibigan. Ako lang pala ang nahihirapan. Ako lang pala ang nasasaktan. Ako lang pala ang hindi na malaman ang dapat na gawin kasi mali na, mali na ang magmahal ng taong kaibigan lang ang trato sayo. Paano naging mali? Kasi sa bawat kilos at bibitawan nyang salita aasa ka na baka may nararamdaman na din sya para sayo. Sa simpleng effort nya lang aasa ka na agad na baka pareho na kayo ng nararamdaman pero hindi mo alam na nasasaktan ka na sa kakaasa mo. Sinasaktan mo na ang sarili mo na kahit alam m